
Ang sarap ng feeling na mag tagumpay ka sa isang bagay lalo na kung alam mo na marami kang nagawa at mga sakripisyo para sa bagay na 'yon. Masaya ako na graduate na ako bilang COCC at Officer na next school year. Kaya lang syempre hindi parin ako maka move on na natapos ko na I mean namin lahat ng training. Hindi ko malilimutan lahat ng karanasan na nagawa ko kasama ng buddies ko at mga bagay na natutunan sa pagiging C.O namin. Hayy ang dami talagang nag bago sa akin eh malamang sakanila narin. Naging obedient ako in a ways na hindi marunong mag reklamo, natuto ako ng pagkakaisa at ng time management, proud akong sabihin na dahil sa COCC hindi na ako sobrang arte hindi tulad ng dati. Kasi ngayon kahit sa anong bagay na a-apply ko yung motto namin na All for one, One for all.
Ang daming experience, masaya malungkot, nakakaiyak,mahirap at kung anu-ano pa pero hindi ako maka paniwala na natapos na yun, at kami na ang mag paparanas ng mga ganun sa susunod na batch ng COCC. Kami na ang mag trtrain, kami na ang susundin, samantalang parang kahapon lang nung kami yung inuutusan at nasa training. Kasabay ng mga di kapani-paniwalang moments ngayon sa buhay ko, ay ang fact at truth na yung mga officers namin ay mawawala na (How Awful). Kasama na sya doon, aalis na sila, pati mga fourth year ngayon na naging ka-close ko. Ganun naman talaga siguro, may dadating at may aalis, pero kahit ano pang mangyari, yung pinag samahan at katangian ng bawat officer namin hindi ko makakalimutan. Mahal ko silang lahat, Mahal ko din yung mga buddies ko na kasabay ko sa hirap at ginhawa, saya at lungkot.
Ok sakin yung position ko. Hahaha aarte pa ba ako? Eh mukhang hanggang sa maka-graduate ako, yun ang trabaho ko sa school namin. :P I think deserving talaga ako doon ee XD Forever paperworks nalang ang career ko. ^^
No comments:
Post a Comment