Sunday, April 10, 2011

Beautiful(?) NIGHTMARE - FEBRUARY 2011

Kaninang umaga, nagising ako ng 3:30am. Dapat mag rereview ako para sa test namin kaso lang inantok ako at nakatulog uli. Masaya akong napanaginipan si *insert name here*, ang hindi ko lang maintindihan, panaginip KO na nga lang hindi pa ako ung bida -_- haha. Nakakalungkot eh, hanggang sa panaginip ko hindi parin nya ako mahal, hindi parin ako ung gusto ee. Men?!... Sa unang scene kasi nun may hawak daw sya na red tulips (na favorite ko) tapos birthday ko daw un, bigla nalang nag propose daw sya sa isang babae na katulad na katulad ko. Parehas ng birthday, favorites at kung anu-ano pa then habang kinikilig daw ung girl, naka tingin sya sakin na nagpapa hiwatig "hindi talaga ikaw ang tinitibok ng puso ko". Tapos naputol na dun XD kasi tumunog na alarm clock ko, naawa ata sakin kaya ginising na ako.

Lol. Nakakatuwa na nakakainis. Napaka miserable ng buhay ko ^.^ Anyway dapat daw kasi wag ako mag ambisyon. :P

No comments:

Post a Comment