Monday, April 11, 2011

PSEUDO RELATIONSHIP ♥

Yung tipong ginagawa nyo yung mga ginagawa ng magsyota pero hindi kayo. Yung tipong mukha kayong committed para sa isa’t isa pero hindi. Yung tinatawag ka nyang “Baby”, “Honey”, “Babe” at kung anu ano pa pero petnames lang at walang deep meaning? Oo. Yung sinasabi nyong MU o Mutual Understanding kasi mutual yung nararamdaman nyo para sa isa’t isa. Pseudo Relationship ang tawag dyan. Yung more than friends nga kayo, pero hindi naman kayo lovers. Malamang isa sa inyo nagtapat na ng nararamdaman o dalawa kayong nagtapat, pero hindi pa sapat yun. Yung walang pormal na panliligaw na nangyayari pero mukha kayong nagliligawan. Pinagdesisyonan nyo lang talagang maging magkasama o sweet sa isa’t isa. You both acted as if it was the real thing but in reality, it isn’t.

Madaming dahilan kung ba’t nangyayari ang ganito. Pwedeng kakagaling lang sa break up tas natatakot lang na i-commit yung sarili nya kasi ayaw na nyang masaktan at maiwan ng dahil lang sa paulit-ulit na dahilan. Minsan takot lang talaga nyang ipakita at i-invest yung totoong nararamdaman nya para sa tao. Minsan, pang-rebound lang. O minsan talaga, laro lang. Na akala mo may meaning na lahat ng sinasabi nya, pero naga-assume ka lang. Hindi mo naman pwedeng ituring na “SECOND BEST” ka kasi hindi naman kayo. Tulad ng sabi nila: “An almost but not quite relationship”

Kumbaga, para kayong naglalaro eh. Wag ka lang mag-assume o magpatalo kasi ang rule neto “Laro tayo. Mainlove, talo” Wag kang magpapauto sa laro ng mga emosyon. Wag mo muna masyadong asahan at magtiwala kasi sa huli, pag ikaw nga e nahulog, talo ka naman talaga. Kasi di mo rin alam ang takbo ng utak ng tao na yan. Malay mo, ayaw naman nya talaga. Eh nainlove ka nga, so ang gagawin nya, para mawala yang nararamdaman mo para sa kanya, iiwan ka rin nya sa ere. Wala naman akong sinasabing pigilan. Pero wag ka lang magexpect na yang pseudo relationship nyo, eh magiging realidad at maging kayo talaga.

Ano bang dapat na gawin pag nahulog ka na? Ano ba? Eh mas maganda yan kung parehas kayo ng nararamdaman ng ka-MU mo. Tapos. Edi happily ever after. Pero kung hindi yun ang nangyari, talo ka kasi nasira mo yung rules ng laro. Alam mo naman kasi na from the start, isa sa inyo maiinlove at ang isa hindi. Wala ka namang dapat sisihin kasi ikaw din mismo may gusto. Naghahanap ka ng lugar mo sa kanya, pero wala naman talaga. You’re asking for more, which is too much for your playmate.

So why would you choose to settle with this kind of relationship kung pwede ka namang makahanap nung taong alam mong kinalulugaran mo at alam mong mamahalin ka? Although sometimes the feelings are real pero you don’t know kung gusto nya o hindi. In a pseudo relationship, there’s no US. There’s YOU and ME and not US. Pati yung sakit na nararamdaman mo, Pseudo parin kasi mas masakit pa siya sa inakala mo. At ang mas masakit dun, ikaw lang yung nasaktan.

No comments:

Post a Comment