
Party name: Doing Obligations Through Actions.
Kanina nag simula na kami mag campaign para sa Student Council Election. Election ng officers ng susunod na school year. Pinaghandaan namin 'tong campaign na ito lalo na para sa third year students na kapartido ko kasi ito na yung huling campaign namin, ito na yung huling pagkakataon para maging SC, so it's now or never. Secretary ulit ang pwesto na kinakampanya ko. Sobrang daming preparations na nangyari kung ikukumpara sa last na election. Ganun din yung kabilang partido, ooops, sobra sobra pa pala yung nagawa nilang pag hahanda kesa saamin.
Along campaign period, masaya naman, though may mga rough times na nakaka depress. Hindi naman sa pag aano, pero masakit kasi kapag sinasabihan ka ng ayaw nila sainyo, oo choice nila yun di ba kaso hindi rin naman ata tama na harap harapan kaming palayasin sa room *nya*. Buti matatag kami at hindi nagpatinag *sakanya* wooh yeah, at buti nalang din yung classmate nung tao na un, nakikinig sa amin (oo, may particular na tao akong kinasasamaan ng loob. hahaha sobra kasi sya ee.) Personally, napaiyak pa ako, kasi akala ko ilalaglag kami ng kapamilya namin-classmates. Luckily JOKE lang pala nila un. Wahehehe.
No comments:
Post a Comment