Sunday, April 10, 2011

Iyak - MARCH 2011

Naiiyak ako. Ang bilis ng panahon, MArch na pala. Palapit ng palapit yung Council election, hindi ko pa alam ang tunay kong nararamdaman ukol doon. Kung sakaling matalo man ako, o manalo. Oo, buhay ko na ang maging SC, masakit para saakin kung sa huling pagkakataon, matatalo pa ako, kung kelang huling taon ko na. PERO hindi ko naman maiiwasang matalo di ba? Sabi nga ng nanay nanayan ko sa school, "hindi lahat ng pagkakataon sayo", at na realize ko rin na kailangan ko minsan magparaya :) Paano kung mas uunlad ang Council sa pamamalakad ng iba? Paano kung may papatunayan talaga sya? Hindi naman lahat ng bagay ay mananatiling FOREVER di ba? sabi nga sa kanta, "but forever is just a word..". Naisip ko nalang na kapag natalo ako, give chance to others. Pero bakit ko ba naiisip na matatalo ako? una, hindi ko feel ngayon na mananalo ako, walang kaba factor. second, mabigat na kalaban ung isang party at may gusto talaga syang patunayan, sabi pa nga nya kaya nyang gawin ung mga kaya ko at higit pa. Hindi man halata pero natatakot ako.

Naiiyak ko kasi, malapit na magtapos ung b-o-n-d-i-n-g ng partido ko. Na realize ko lang to nung mabasa ko ung note ng president namin. OO nga, nakabuo pala kami ng napaka gandang samahan sa loob ng maikling panahon. Nakasama ko ang mga extra ordinaryong tao na hindi ko akalaing ganun pala ung katauhan nila. Mahal ko silang lahat. Basta, enjoy nalang, malapit na.

Kanina pa ako stressed! XD Kanina nga badtrip pa ee, buti nalang nawala agad :D Inom tayo strawberry milk, sponsor ni papsi ko. :D

No comments:

Post a Comment