Sunday, April 10, 2011

GOT THAT - MARCH 2011

Ang pinaka mahirap sa isang competition ay makipag laban sa kaibigan mo. OO, pareho nyong gusto ang manalo at makamit ang isang pwesto/title pero ang hindi maganda doon ung kelangan pang maapektuhan pati ang pagkakaibigan nyo. Hindi man dahil sa nagsisiraan kayo sa isa't isa pero hindi maiiwasan na yung tao sa paligid nyo ang maninira sa bawat isa sa inyo. Kumbaga marami silang sasabihin na kung anu anong conclusion at sasabihin nila galing un sa kabilang panig. Ay ewan ko. Nakakalungkot kasing isipin na sa isang iglap lang, mawawala yung pinaghirapan mong friendship na mabuo at inabot narin ng taon. For me, ang pinaka masakit na mangyayari sayo sa loob ng isang competition ay hindi ang matalo ka ng kaibigan mo, kung hindi ang ipatalo ng kaibigan mo ang friendship nyo para lang manalo sya.

No comments:

Post a Comment