Monday, April 11, 2011

PSEUDO RELATIONSHIP ♥

Yung tipong ginagawa nyo yung mga ginagawa ng magsyota pero hindi kayo. Yung tipong mukha kayong committed para sa isa’t isa pero hindi. Yung tinatawag ka nyang “Baby”, “Honey”, “Babe” at kung anu ano pa pero petnames lang at walang deep meaning? Oo. Yung sinasabi nyong MU o Mutual Understanding kasi mutual yung nararamdaman nyo para sa isa’t isa. Pseudo Relationship ang tawag dyan. Yung more than friends nga kayo, pero hindi naman kayo lovers. Malamang isa sa inyo nagtapat na ng nararamdaman o dalawa kayong nagtapat, pero hindi pa sapat yun. Yung walang pormal na panliligaw na nangyayari pero mukha kayong nagliligawan. Pinagdesisyonan nyo lang talagang maging magkasama o sweet sa isa’t isa. You both acted as if it was the real thing but in reality, it isn’t.

Madaming dahilan kung ba’t nangyayari ang ganito. Pwedeng kakagaling lang sa break up tas natatakot lang na i-commit yung sarili nya kasi ayaw na nyang masaktan at maiwan ng dahil lang sa paulit-ulit na dahilan. Minsan takot lang talaga nyang ipakita at i-invest yung totoong nararamdaman nya para sa tao. Minsan, pang-rebound lang. O minsan talaga, laro lang. Na akala mo may meaning na lahat ng sinasabi nya, pero naga-assume ka lang. Hindi mo naman pwedeng ituring na “SECOND BEST” ka kasi hindi naman kayo. Tulad ng sabi nila: “An almost but not quite relationship”

Kumbaga, para kayong naglalaro eh. Wag ka lang mag-assume o magpatalo kasi ang rule neto “Laro tayo. Mainlove, talo” Wag kang magpapauto sa laro ng mga emosyon. Wag mo muna masyadong asahan at magtiwala kasi sa huli, pag ikaw nga e nahulog, talo ka naman talaga. Kasi di mo rin alam ang takbo ng utak ng tao na yan. Malay mo, ayaw naman nya talaga. Eh nainlove ka nga, so ang gagawin nya, para mawala yang nararamdaman mo para sa kanya, iiwan ka rin nya sa ere. Wala naman akong sinasabing pigilan. Pero wag ka lang magexpect na yang pseudo relationship nyo, eh magiging realidad at maging kayo talaga.

Ano bang dapat na gawin pag nahulog ka na? Ano ba? Eh mas maganda yan kung parehas kayo ng nararamdaman ng ka-MU mo. Tapos. Edi happily ever after. Pero kung hindi yun ang nangyari, talo ka kasi nasira mo yung rules ng laro. Alam mo naman kasi na from the start, isa sa inyo maiinlove at ang isa hindi. Wala ka namang dapat sisihin kasi ikaw din mismo may gusto. Naghahanap ka ng lugar mo sa kanya, pero wala naman talaga. You’re asking for more, which is too much for your playmate.

So why would you choose to settle with this kind of relationship kung pwede ka namang makahanap nung taong alam mong kinalulugaran mo at alam mong mamahalin ka? Although sometimes the feelings are real pero you don’t know kung gusto nya o hindi. In a pseudo relationship, there’s no US. There’s YOU and ME and not US. Pati yung sakit na nararamdaman mo, Pseudo parin kasi mas masakit pa siya sa inakala mo. At ang mas masakit dun, ikaw lang yung nasaktan.

An almost but not quite relationship ♥



So he is Christian Ivann Tan. I met him not personally, but on Facebook. He's quite handsome, sweet, thoughtful, caring but he is a pervert. Yeah I've known him since this January 2011 started. He is so playful when it comes to girls. I just got the chance to know him because of my non-biological mom, Joyce. He courts Joyce but he was just got dumped. We began to start our friendship even though he stopped courting Joyce. He used to call me "Ate" and I call him "Kuya". Too much time passed, we never get sympathy of each other until this April. He approach me via Facebook chat and then he just ask how am I now, and I just said that I am ok. I asked him who's his girl and told me none. I was shock because he always got new girls around believing that he could get anyone he likes. Began this thought. he tried to court me either. I rode at him but may intention was to make fool of him (Happy April Fools!) I made this decision to make him realize that not everybody could be him and somewhat use to call "EX". I planned to make him fall in love me at sarcastic point. We did texting, chat, stayed late talking to him and such damn things. We talked about so many things and I learned a lot from him and him too. But then I saw my self smiling whenever I got texts to him (who's not? he is sooo sweet, I admit it) I got quite a bit jealous whenever I saw his wall with perverts. HEY! I asked myself, Am I falling in love with this man? Oh come on! How can I? This is so wrong. Mom Joyce and Daddy Kimuel asks me if I'm ok, and if I want some back up, I said I can handle it. I took deep realization of what to do, I was thinking to say yes, but then I resist it. I have to support my stand that not all girls can be his. So this night, I PMed him with ":P" he asked me what's my height and then I told I'm 5'2 and he said "bakit ka nagkasya sa puso ko? ♥" I just laugh at him and then we got serious talk. He asked what's my answer. I took a long time to say that I don't want to. HELL YEAH. I still doubt but then I have to say NO. He is so lonely, I'm guilt. But what should I do? that's just right for him T_T I'm not sure about him, if he is telling the truth. I'm guilt, I love him too. I love him. No doubt about that. And I must admit that I will be missing him. I'll be missing his texts, goodnights, iloveyous, and all that. I will miss the whole him. Am I rude? I'm just protecting myself? I though fooling him is easy and make me happy but then I end up hard to let go and unhappy. For sure he tomorrow, he will love a new girl. :( I am so damn. For the second time, I hurt a guy. I fool myself that I don't need them. cry cry cry cry cry.

Sunday, April 10, 2011


:)

REViEW \m/

THE ONLY MAN I LOVE ♥





[Verse 1]
Can you tell me
How can one miss what she's never had
How could I reminisce when there is no past
How could I have memories of being happy with you boy
Could someone tell me how can this be
How could my mind pull up incidents
Recall dates and times that never happened
How could we celebrate a love that's too late
And how could I really mean the words I'm bout to say

[Chorus]
I missed the times that we almost shared
I miss the love that was almost there
I miss the times that we use to kiss
At least in my dreams
Just let me take my time and reminisce
I miss the times that we never had
What happened to us we were almost there
Whoever said it's impossible to miss when you never had
Never almost had you

[Verse 2]
I cannot believe I let you go
Or what I should say is I shoulda grabbed you up and never let you go
I shoulda went out with you
I shoulda made you my boo boy
Yeah that's one time I shoulda broke the rules
I shoulda went on a date
Shoulda found a way to escape
Shoulda turned a almost into 
If it happend now its to late
How could I celebrate a love that wasn't real
And if it didn't happen why does my heart feel

[Verse 3]
(sometimes I wanna rub ya, some nights I wanna hug ya)
And you seem to be the perfect one for me
You (some nights I wanna touch ya but tonight I wanna love ya)
You're all that I ever wanted
And you're my everything yes its true
Boy its hard to be close to you
My love
I know it may sound crazy
But I'm in love with you


I missed the times that we almost shared
I miss the love that was almost there (sometimes I wanna rub ya)
I miss the times that we use to kiss
At least in my dreams
Let me take my time and reminisce (but tonight I wanna love ya)
I miss the times that we never had
What happened to us we were almost there
Whoever said its impossible to miss when you never had
Never, never almost had you (but tonight I wanna love ya)

DADiYOW ♥ - MARCH 2011

CONCERT \m/


HAPPY FAMiLY EHH? ♥ Unfortunately NOT. SI EiKi kasii e >.<.

Hi BROWN EYES ♥


MiSS KO NA SiLA O:) - MARCH 2011


Ohh memories, miss na miss ko lang sila. Year end namin, mejo malungkot kasi hindi lahat naka punta pero I enjoy the moments kasama sila :">

It may be our last, but it will never be our end ♥ - MARCH 2011


EEEH. Graduation nila kanina. Alam nyo yung nasasaktan habang nag mamarcha sila? AKO yun ee. Habang naka cross sword kami at nung dumaan na sya sa harap ko bigla nalang tumulo yung luha sa left eye ko. SHAT feeling ng mga kasama ko napaka O.A ko na at ang arte arte pa, hindi kasi nila alam yung feeling na last na pagkikita na namin to ngayong panahon na to. Makita ko man sya hindi na magiging katulad ng dati na everyday, masaya at syempre awkward na yun. Busy narin sya malamang kasi college life na sya. Ayyy I will Miss him so much.

Ayan lantaran na. Dati may pa-private private life pa akong nalalaman. Ngayon tsk wag na hindi nya rin naman to mababasa. Chaka feeling ko kung mabasa nya man deadma lang. Wala namang masama i-post ko tong nararamdaman ko di baaa? Kanina dapat may evil plans kami ng anak Don ko, kaya lang hindi naman nangyare ang kupad nya kasi at ang bilis naman nitong lalaking nasa picture >.<

Nananalig parin ako kahit mejo wala na talagang pag asa na may pagkakataon pa para samin. WAHAHAHA. I still believe in loving him in spite of all the hurts I am going through even if again and again he'd break my heart, one thing will never change .. and that's may endless love for him. (SHET bakit ba ako nagpapaka ungas dito?) In fairness nagpapakabaliw ako sakanya. Mejo hindi pa ako maka move on na wala na sya next school year sa school. Wala ng dahilan para sipagin akong pumasok kapag tinatamad ako. Wala ng dahilan para mag smile ako kapag badtrip ako. Wala na. Sana maka-get over ako agad sa pagkawala nya. OO ang O.A ko na, kung maka-asta ako parang nag break kami ee noh? TSS. First Love kasi ee? Ang hirap patayin parang buni (lols) ilang beses mo man tangkain patayin wala padin nangyayare. :P I love him. Sorry Airasister forgive nagpost ako ng ka-chorvahan. :P

TURN OVER - MARCH 2011


Ang sarap ng feeling na mag tagumpay ka sa isang bagay lalo na kung alam mo na marami kang nagawa at mga sakripisyo para sa bagay na 'yon. Masaya ako na graduate na ako bilang COCC at Officer na next school year. Kaya lang syempre hindi parin ako maka move on na natapos ko na I mean namin lahat ng training. Hindi ko malilimutan lahat ng karanasan na nagawa ko kasama ng buddies ko at mga bagay na natutunan sa pagiging C.O namin. Hayy ang dami talagang nag bago sa akin eh malamang sakanila narin. Naging obedient ako in a ways na hindi marunong mag reklamo, natuto ako ng pagkakaisa at ng time management, proud akong sabihin na dahil sa COCC hindi na ako sobrang arte hindi tulad ng dati. Kasi ngayon kahit sa anong bagay na a-apply ko yung motto namin na All for one, One for all.

Ang daming experience, masaya malungkot, nakakaiyak,mahirap at kung anu-ano pa pero hindi ako maka paniwala na natapos na yun, at kami na ang mag paparanas ng mga ganun sa susunod na batch ng COCC. Kami na ang mag trtrain, kami na ang susundin, samantalang parang kahapon lang nung kami yung inuutusan at nasa training. Kasabay ng mga di kapani-paniwalang moments ngayon sa buhay ko, ay ang fact at truth na yung mga officers namin ay mawawala na (How Awful). Kasama na sya doon, aalis na sila, pati mga fourth year ngayon na naging ka-close ko. Ganun naman talaga siguro, may dadating at may aalis, pero kahit ano pang mangyari, yung pinag samahan at katangian ng bawat officer namin hindi ko makakalimutan. Mahal ko silang lahat, Mahal ko din yung mga buddies ko na kasabay ko sa hirap at ginhawa, saya at lungkot.

Ok sakin yung position ko. Hahaha aarte pa ba ako? Eh mukhang hanggang sa maka-graduate ako, yun ang trabaho ko sa school namin. :P I think deserving talaga ako doon ee XD Forever paperworks nalang ang career ko. ^^

AKO na MABABAW. XD - MARCH 2011

Di ako maka move on hanggang ngayon may spark padin. Sobrang babaw lang nung nangyare pero kinikilig ako. Anyway kasi ganito yan ... Nananahimik lang ako sa facebook at pa browse browse lang sa tumblr habang kumakanta ako ng "I'm Yours" tapos biglang napansin ko may nag PM sa chat, nung tinignan ko si R.A pala. Wahh nag panic ako kasi rare na rare lang mangyare yun twice palang ata yun na nag pm sya sakin kasi di kami close (pero mahal ko yun :P) tapos ayon, nag doubt pa ako kung rereplyan ko ba sya o hindi so I ask the opinion of my friend at sabi nya replyan ko daw. Eh wala akong maisip na i-reply na matino so nagpaka galang nalang ako. XDXDXD I'm so happy talaga.


Ayan. naka blur yung pinag usapan namin kasi mejo dapat i-secret pero summary nun may tinanong lang sya sakin :P

Grgraduate na sya, sana may memorable (?) na mangyari bago sya lumayas sa school. Wahhhh. \m/

MARCH 2011

My day today isn't great like it was yesterday. Wahhh I'm not that happy, nakakapagod kasi :( Pero infairness, ang kapal ko mag reklamo kasi hindi naman ako yung nag ko-command at sumisigaw, hindi rin naman ako nagbigay ng effort mag marcha haha. :P Yung sword ko napaka lapitin sa disgrasya, una nawala yung buntot ba yon? ay ewan basta nawala tapos wala pang 5mins. magmula ng nakita ko yun nawala ulit. Tapos nung hapon buong sword na yung nawala. Kahit anong ingat ko di maiwasan na ma-misplace kasi paiba iba ako ng hinahawakan. Hindi man lang naisip nung sword ko na ingatan yung sarili nya (hahaha. lol), dapat talaga inisip nya yun ee kasi hihiramin sya bukas ng mahal ko. WAHHH :D

Good Evening guys :) GV \m/

T-W-E-N-T-Y ♥

Today is super special day para sakin :)) Bukod sa monthsary-kuno namin to, masaya ako ngayon kasi sobrang sulit yung araw na ito. Una gawa na yung computer ko (Thanks to my valuable Tita Gena, mother na super loving beautiful daughter ko sa school na si Dezza), I'm so happy I could die ang feeling nung maayos sya, tapos luckily hindi pa na-reformat :P Second nakapag gala pa ako sa bahay nila kapatid @jamesdave na mejo naka gawa pa ata ako ng kamalian doon. ^^ At sa bahay nila Seiztah @luvabby, napakag shopping pa ako sa closet nya at sa kitchen nila :P LOLs lagi naman ata basta mapadpad ako dun XD.

Speaking ng 'lucky' ako na ata talaga yun ee. Dalawang beses ako nalibre sa pamasahe (papunta at pauwi) ng hindi ko naman namamalayan. Hahaha ang bait talaga nung mga tao na nanlibre sa kin. Ilove you guys. hahahaha

Simula na ba ng bakasyon sa inyo? Sa akin hindi pa :( Isang linggo pa ang pupunuin ko bago ako makapagpasarap buhay. ^^

Lalalalala Pasensya na napaka dami ko nang nasabi, epekto ng pagka miss sa computer. :D Goood eveening ^^

KiLiG ♥ - MARCH 2011

I am soooo h-a-p-p-y, yeah kiligness ako :D. Kaninang umaga, umattend ako ng novena mass, mejo late ako kasi hindi ko agad nakita kung na saan yung mga classmates ko at puyat pa ako. Then doon ako pinaupo sa upuan kung saan andun din si crushie ko. OMG nakakatunaw :D Kaya lang lumipat sila (with his friends) sa ibang upuan tapos nasa harap ko na sya. At ang climax ng mejo non-sense na kwento kong ito ay ... Nag peace sya sa akin ^_^ Isa yun sa mga hinihintay kong mangyari kasi rare lang kami magkasama sa simbahan. Wiiie wala lang kinikilig ako, nag peace sya sakin with matching smiling face pa. XDXDXD

KAPAGOOD :D

Sobrang nakakapagaod araw na to para sa akin. Daig ko pa runner, hahaha. Takbo dito takbo doon. Punta dito punta doon. Kung sinu-sino kinausap ko para maging successful ang practice namin though rejections ang napala ko sa iba. Pero may mga good samaritan parin na naawa ata sakin at nagpahiram ng kailangan ko-namin. Wahahaha. Kahit na ganun masaya parin kasi super bonding kaming lahat habang nag prapractice ng sasayawin namin bukas. Nakipag chismisan pa kami sa mga choreographers namin. :P

Speaking ng good samaritan, thank you pala kay @luvabby na kasama ko kanina. Napaka G.S mo :D good samaritan yun seiz ha? hindi gerry saludes! :D peace out. Love yah seiz. ^^

Last Day ng samahan namin as D.O.T.A bukas. Pag tapos nun, balik normal na uli, at maghahabol ng mga ginawa ng classmates namin for almost 3days. Three days considered absent kami kahit present naman talaga, nangangampanya kasi ee. :P hihihi. GOODLUCK nalang. A good thought na nakuha ko to keep moving on "Hindi mo naman ikamamatay ang pagkatalo sa Sc" well that's life. :D

YOU! BASTARD - MARCH 2011

May gusto akong layuan/iwasang tao :(((( Bakit? Hindi ko rin maipaliwanag ee. Hindi ko ba mahal yung taong yun? Hindi naman sa ganun, actually mahal na mahal na mahal na mahal ko nga yung taong yun ee. Kaso, ewan ko ba. May mga bagay talaga na dapat pakawalan para malaman mo kung sayo talaga sya o hindi. Kung kailangan ka nya dahil mahal ka nya o mahal ka lang nya kasi kailangan ka nya. Something like that ;) Ayoko lumayo, masakit. Ayoko lumayo kasi, natatakot akong maagaw sya ng iba(tama ba? akin nga ba sya?) Pero kailangan ee, kasi kapag anjan lang ako para sakanya balewala lang. Walang silbi, kahit na super effort na ako. Hayy nakow emo. :D

Pero hindi pa naman ngayon, may nakalaang time ako para magawa yun. Hindi nya toh mababasa, wala naman syang tumblr ee. :P Mararamdaman nya nalang ;) SANA maramdaman, jusko baka manhid pa sya aa, ewan ko nalang. :D HAHA

Iyak - MARCH 2011

Naiiyak ako. Ang bilis ng panahon, MArch na pala. Palapit ng palapit yung Council election, hindi ko pa alam ang tunay kong nararamdaman ukol doon. Kung sakaling matalo man ako, o manalo. Oo, buhay ko na ang maging SC, masakit para saakin kung sa huling pagkakataon, matatalo pa ako, kung kelang huling taon ko na. PERO hindi ko naman maiiwasang matalo di ba? Sabi nga ng nanay nanayan ko sa school, "hindi lahat ng pagkakataon sayo", at na realize ko rin na kailangan ko minsan magparaya :) Paano kung mas uunlad ang Council sa pamamalakad ng iba? Paano kung may papatunayan talaga sya? Hindi naman lahat ng bagay ay mananatiling FOREVER di ba? sabi nga sa kanta, "but forever is just a word..". Naisip ko nalang na kapag natalo ako, give chance to others. Pero bakit ko ba naiisip na matatalo ako? una, hindi ko feel ngayon na mananalo ako, walang kaba factor. second, mabigat na kalaban ung isang party at may gusto talaga syang patunayan, sabi pa nga nya kaya nyang gawin ung mga kaya ko at higit pa. Hindi man halata pero natatakot ako.

Naiiyak ko kasi, malapit na magtapos ung b-o-n-d-i-n-g ng partido ko. Na realize ko lang to nung mabasa ko ung note ng president namin. OO nga, nakabuo pala kami ng napaka gandang samahan sa loob ng maikling panahon. Nakasama ko ang mga extra ordinaryong tao na hindi ko akalaing ganun pala ung katauhan nila. Mahal ko silang lahat. Basta, enjoy nalang, malapit na.

Kanina pa ako stressed! XD Kanina nga badtrip pa ee, buti nalang nawala agad :D Inom tayo strawberry milk, sponsor ni papsi ko. :D

GOT THAT - MARCH 2011

Ang pinaka mahirap sa isang competition ay makipag laban sa kaibigan mo. OO, pareho nyong gusto ang manalo at makamit ang isang pwesto/title pero ang hindi maganda doon ung kelangan pang maapektuhan pati ang pagkakaibigan nyo. Hindi man dahil sa nagsisiraan kayo sa isa't isa pero hindi maiiwasan na yung tao sa paligid nyo ang maninira sa bawat isa sa inyo. Kumbaga marami silang sasabihin na kung anu anong conclusion at sasabihin nila galing un sa kabilang panig. Ay ewan ko. Nakakalungkot kasing isipin na sa isang iglap lang, mawawala yung pinaghirapan mong friendship na mabuo at inabot narin ng taon. For me, ang pinaka masakit na mangyayari sayo sa loob ng isang competition ay hindi ang matalo ka ng kaibigan mo, kung hindi ang ipatalo ng kaibigan mo ang friendship nyo para lang manalo sya.

D.O.T.A ♥


Party name: Doing Obligations Through Actions.

Kanina nag simula na kami mag campaign para sa Student Council Election. Election ng officers ng susunod na school year. Pinaghandaan namin 'tong campaign na ito lalo na para sa third year students na kapartido ko kasi ito na yung huling campaign namin, ito na yung huling pagkakataon para maging SC, so it's now or never. Secretary ulit ang pwesto na kinakampanya ko. Sobrang daming preparations na nangyari kung ikukumpara sa last na election. Ganun din yung kabilang partido, ooops, sobra sobra pa pala yung nagawa nilang pag hahanda kesa saamin.

Along campaign period, masaya naman, though may mga rough times na nakaka depress. Hindi naman sa pag aano, pero masakit kasi kapag sinasabihan ka ng ayaw nila sainyo, oo choice nila yun di ba kaso hindi rin naman ata tama na harap harapan kaming palayasin sa room *nya*. Buti matatag kami at hindi nagpatinag *sakanya* wooh yeah, at buti nalang din yung classmate nung tao na un, nakikinig sa amin (oo, may particular na tao akong kinasasamaan ng loob. hahaha sobra kasi sya ee.) Personally, napaiyak pa ako, kasi akala ko ilalaglag kami ng kapamilya namin-classmates. Luckily JOKE lang pala nila un. Wahehehe.

Beautiful(?) NIGHTMARE - FEBRUARY 2011

Kaninang umaga, nagising ako ng 3:30am. Dapat mag rereview ako para sa test namin kaso lang inantok ako at nakatulog uli. Masaya akong napanaginipan si *insert name here*, ang hindi ko lang maintindihan, panaginip KO na nga lang hindi pa ako ung bida -_- haha. Nakakalungkot eh, hanggang sa panaginip ko hindi parin nya ako mahal, hindi parin ako ung gusto ee. Men?!... Sa unang scene kasi nun may hawak daw sya na red tulips (na favorite ko) tapos birthday ko daw un, bigla nalang nag propose daw sya sa isang babae na katulad na katulad ko. Parehas ng birthday, favorites at kung anu-ano pa then habang kinikilig daw ung girl, naka tingin sya sakin na nagpapa hiwatig "hindi talaga ikaw ang tinitibok ng puso ko". Tapos naputol na dun XD kasi tumunog na alarm clock ko, naawa ata sakin kaya ginising na ako.

Lol. Nakakatuwa na nakakainis. Napaka miserable ng buhay ko ^.^ Anyway dapat daw kasi wag ako mag ambisyon. :P

S.C - FEBRUARY 2011

Monday na bukas. Submission na ng application form para sa mga SC candidates for next school year. Ayan nag ready na ako. Nag fill up na ako ngayon ngayon lang :D I'll run for Secretary - D.O.T.A Party. Good luck sa aming lahat na candidates, sa partido namin at pati narin yung sa kabila. :D Sana hindi kami magka away away para sa mga positions na tinatakbuhan namin, deserving naman lahat ee. :D



Nga pala, Valentine's Day bukas aa? May mga ka-date ba kayo? hihi >:") Ako wala, ung as in ka-lover/partner. Pero I'll make my day Happy parin kahit wala akong ka-date. Chaka baka mag date kami with my single friends :D HAPPY VALENTINE'S DAY sainyo in advance. :D Friends/Followers salamat sainyo, mahal ko kayo. :)

Dugyot >:">


Nag refill ako ng ink kanina.. at napaka careless ko kaya natapunan ako sa kamay. -___- hahaha ang dugyot ko tuloy, tapos ayaw pa matanggal kahit sobrang hugas na ako ng kamay at alcohol :P

Presenting ang dugyot na ako.. :D

Di kita maintindihan >:"> - FEBRUARY 2011

Hindi ko maintindihan, parang nung isang linggo lang galit na galit ka sakanya na halos isumpa mong nagka kilala kayo. Tipong iritang irita ka kapag nagsasalita yung tao na yun at iniiwasan mo pa sya. PERO bakit ngayon? ngayon sasabihin mong mahal na mahal mo na yung tao na yun. Hahaha WTH?! Di lang kita magets. so hard to understand talaga. :)

Eto pa, dati ayaw mo magkaron ng *tooot* at marami kang dahilan para ma-defend kung bakit ayaw mo talaga. PERO ngayon, jusko, gustong gusto mo ng ganun kasi yung ibang tao nakuha na nila yun, ikaw hindi. Pero ano nga ba magagawa ko? Eh ikaw yan? hahahaha. Ily still.

Nakakaiyak eeh - FEBRUARY 2011

Naiinis ako. Sobrang nakaka pressure ang mga nangyayare sa buhay ko ngayon. TSK di ko alam ang dapat unahin at i-prioritize. May mga bagay na dadating bigla tapos masisira nun ung plano mo, meron namang TAO na sumisira din ng plano mo. Hayy nako. Tapos kailangan pa silang intindihin, pakisamahan and so whatever. Ang dami, over loaded na ako di ko na alam kung ano uunahin, dagdagan pa ng mga sabay sabay na projects. Nakoo naman

Pati tuloy si mommy naaaway ko dahil aburido ako. -_- LOL need some rest (rest in peace) :P

EiGHT ♥




Good Evening :) Last Post for this Night :) Ibabalandra ko lang po sa mga dashboard nyo ang pagmumukha ko :P Lols. With my kapatid. Hehehe we are so vain :P Since malapit naman ng mag February 08, 2011 so, taon narin ang pinag samahan namin nyan. Love ko po masyado yan kahit na .. *hahahaha* nalang. Anniversary ng friendship namin bukas ee, wulei akong gift hehehe, basta lagi lang naman akong nasa tabi nyan ee, di naman ako umaalis (pwera nalang kung paalisin nya ako). I love you kapatid! ♥ (Psst peace! sana mabasa mo toh, sorry for photo spam)

"HAPPY 7 DAW PO" - FEBRUARY 2011

LOL. I remember, this morning we made a deal. I have to greet *insert name here/my crushness" a happy happy seven (LOL because it's seven today!) There's no something between us but my bully friends consequence me to do it because I don't have a boyfriend -____- They have monthsaries with; 6,8, and 9 that means that the missing number is 7, they said that it represents me. I was to ignore that deal when he came but my kapatid once said "Sige mag aaway tayo kapag hindi mo nasabi for 2 weeks" And then me, the uto-uto one, did it. -___- LOL t'was too nervous. I thought he gonna kill me (joke) but then he only laughed at me. Kinda 'wew-thingy' :D

STRESS - JANUARY 2011

Woooh wala ako sa katinuan kanina. Ang dami kong iniisip at dapat gawin. Madami ding tao sa bahay kasi nag dubbing kami (kakauwi palang nila). Di nyo alam yung feeling na kinakausap mo silang lahat para sa project tapos ang dami mo ring katext na importante kasi mahalaga ung pinag uusapan namin.

Buti nalang na-download na ng matiwasay ung Power Director version 9 ko -_- madaming panahon din ang nasayang dahil sa fail na pag download. Right now, inuumpisahan ko ng ayusin ung dubbing namin, kawawa naman kami wala pa kaming matinong nagagawa samantalang ung ibang group mag papasa na. (grupong tamad daw kami)

Tapos nagkaron pa ng tensyon kanina sa pagitan ko at ng co-cocc ko. BASTA, mahirap i-explain. Pero ramdam ko talaga ung feelings na na fe-feel ng bawat isa kahit text lang yun. Inaamin ko na sobrang na-stress ako, di ko alam isasagot ko sakanila. Ung iba pa feel ko nagagalit sakin (filengera ko, pero wag naman sana silang magalit.. ) Tapos yung online shop namin ng mga friends ko, kailangan pang pag tuunan ng pansin kasi baka sabihin na wala akong ginagawa sa pag unlad nun. Ngayon time out muna ako sa worries, kailangan ko ilabas ito through blogging kundi mababaliw ako. >:| Tooodles!

My Golly, kaya toh. AJA!

BLOG ♥

Heya! I supeer doooper miss you sooooo much :"> And yeah It's vacation time baby! I'll update every single happening to me. NOOOOW :))))) ;) Hopefully I could reminisce all. :*