Saturday, March 13, 2010

SLEEP OVER?

Oh my! mejo happy ang post ko ngayon kasi naman! first time ako natulog sa bahay ng classmate ko at lalaki pa! (sakanila. haha) Ganito kasi, pupunta kami sa Valenzuela ng 2am -- with the church members. Well kaya kinailangan naminng matulog sakanila kasama ko si Jasmine.
I'm so happy kasi naka bonding ko sya kahit sa maikling panahon lang. Kasi miss na miss ko na makasama sya dahil nga may other girl na sya. Parang un na ung time na ipinagka loob para kaming dalawa lang not totally naman kasi nandun si Jasmine. Ayun nanuod kami ng HSM1 and 3. Kumain ng kung anu-anong pagkain ice cream, buko salad,cornic,juice and kung ano ano pa. Haha uhmm nakapag suot din ako ng boxer shorts! haha hiniram ko ung boxer nya kasi ang init kahit naka-aircon na ung kwarto. Hindi namin natapos ung HSM3 dahil natulog na sila kahit na ang usapan walang tulugan. Well habang sila ni Jasmine natutulog ako nag lalaro ng Plantvs.Zombies at ng Feeding Frenzy... Naka one hour na silang tulog nung napag isip2 kong matulog narin -- 12am na ako na tulog then 1:30am kami ginising dahil aalis na. Ayun kain ng pancake, then hinatid na kami sa simbahan. Nagutom kami so nag Burger Machine kami~ grabe ung experience namin kasi nung bumibili kami ang daming lalaking tambay na parang gangster, natakot ako ng sobra nun hinawakan ko ung kamay nya tapos sabi ko "MONSTERS!" pero magkasama naman kami kaya ok lang ung feeling.
Nung paalis na ung sasakyan na susundo dun sa Jubilee Cross ayun inaantok daw sya, pinahiga ko sya sa braso ko, WEW di ba dapat ung girls ung humihiga sa boys? haha pero ok narin it only shows talaga na ako ung nag mamahal sakanya and ready ako mag sacrifice for him and sya deadma nalang. wew. Basta I'm so happy na makasama sya. Kahit alam ko na ung iba ang kailangan nya, masaya narin. :D

No comments:

Post a Comment