Hindi mo alam
by Pecatorre
Hindi mo alam kung gaano kasakit.
Na huwag sabihin ang nararamdaman mong tinatago mong pilit.
Dahil ayaw mong masira ang inyong samahan
At magkunwaring masaya ka na lang kahit maging kaibigan.
—
Hindi mo alam kung gaano kahirap
Magkunwaring masaya at magpanggap
Na hindi mo mahal ang isang tao.
Na kasing tigas at manhid ng isang bato.
—
Hindi mo alam kung paano iwanan
Ng tinuturing mong pinakamalapit mong kaibigan
Na nangakong palaging sya naandyan
Pero tingnan mo ngayon nag iisa ka at luhaan?
—
Hindi mo alam kung paano umasa
Hanggang dumating sa puntong para ka nang tanga
Minsan sasagot ng oo pero kadalasan ay hindi
Nagtatanong ka sa diyos kung may nagawa kang mali.
—
Kaya tumigil ka dyan - dahil hindi mo alam
Ang pakiramdam ng isang luhaan at iniwanan
Darating din ang oras na ikaw ang magmamahal
Gagawin mo ang nakakatawa - Gagawin mo ang bawal.
No comments:
Post a Comment