Kakauwi ko pa lang ng bahay. Nalulungkot ako buong araw (even ngayon) ang baba pa ng energy ko. Nakakainis kasi eh, ayoko talaga SYA makita kaso no choice ako. Makikita at makikita ko parin kasi nasa isang school lang kami. Tapos hindi ko feel makipag daldalan kanina, kasi malamig mas masaya matulog (actually ung ka-chikahan ko tulog). Tapos kanina nung Chemistry Time namin parang ambilis ng oras. Kung kelan ako ginanahan mag sagot ng bonggang bongga sa seatwork chaka naman maaga umalis ung teacher namin, hindi ko tuloy natapos. Ayoko na nga ikwento mga badvibes moments ko kanina baka mahawa kayo sakin :( (Kulang pa kasi yang nasabi ko sa sobrang malas ko)
Anyway, may mabuti rin palang nangyari sakin haha. Ginawa KO yung assignment namin sa Math kanina habang vacant time. So wala na akong gagawin mamaya. Infairness nagawa ko yun sa tulong ng kapatid ko(bespren ba). Dapat kasi kokopya lang ako, tapos sabi nya wag daw para naman matuto ako. HAHAHA With matching pang aasar pa kasi yung katabi naming isa pinakopya nya at yung sa mommy namin gagawin nya ata. Pero ok narin kasi marunong na ako mag solve ng ganung equation. (Pasensya sobrang nag-loloading ang utak ko pag Math ang usapan)
No comments:
Post a Comment