Saturday, December 18, 2010

AND THE REASON is YOU :(




Grabe, alam mo ba napaka martir ko daw. Malamang hindi mo yun alam, kasi kahit ako hindi ko yun napapansin. Mga malalapit kong kaibigan bukod saiyo napapansin, sinasabi nila na I give you too much of my love. Yung tipong para saakin nalang, ibibigay ko pa sayo. Yung isasakripisyo ko ang lahat kahit sila pa, para lang saiyo. Kaya ko daw ibigay lahat ng kailangan mo, gagawan ko pa ng paraan para sayo na hinding hindi ko naman nagawa sakanila. Grabe hindi ko yun alam, ginagawa ko nalang kasi ikaw, kasi mahal kita. OO, kaibian mo lang ako. Magkaibigan lang tayo, special yung treatment ko sayo kasi bestfriend ang turing ko, pero ewan ko ba kung ano talaga ang posisyon ko jan sa buhay mo. Simpleng kaibigan na kagaya ng iba, ay hindi pala! Least sa iba. Alam mo ba na nag seselos ako? OO totoo yun. Hindi ko lang masabi sayo, hindi lang ako makapag reklamo kasi ano nga lang ba ako sayo dba? Baka pag sinabi ko sayo ung nararamdaman ko, ikaw pa ang magalit, ako pa ang mag sorry at malala baka mag away pa tayo. Masakit kasi sobra na kitang pinahahalagahan pero wala parin akjo sayo. Hindi ko naman hinihingi na maging tayo, ayoko noon never kong ginusto, ang sakin lang naman sana kagaya din ako ng iba mong 'kaibigan' na sobra mong pinapahalagahan. hindi ko alam pero sa tingin ko wala lang talaga ako sayo. pero iniisip ko nalang na pantay pantay kami jan sa puso mo. Kasi pag mag kasama naman tayo, inaasikaso at inaalala mo rin naman ako kahit papano. Hindi ko lang makita ung ginagawa mo na katulad sakanila. IKAW ang dahilan ng kalungkutan at pag iisip ko gabi-gabi at araw araw. Ikaw ang nagpapatibok ng puso ko at ikaw rin ang nagbibigay ng dahilan para mapawi ang kalungkutang nadadama ko. Ang maging masaya ay dahil sayo, sa maliit mong paraan at pag alala lahat ng mabibigat na dahilan ay tila napawi na. WALA NA un ang pinakamahirap doon. Hindi kita maiwasan o malayuan man lang dahil natutunan ko na ang mamuhay ng kasama mo. Mamuhay sa likod mo, taga sunod nag mamahal ng palihim. Kaibigan lang kita paano pa kaya kung tayo? Edi lalo pa akong nabaliw?! Nakakainis mahal na mahal kita kapatid ko. Hindi kita mahal as may pagnanasa mahal na mahal kita ng may pagpapahalaga. Sana makuntento nalang ako kung ano ang kaya mong ibigay sakin. SANA. SANA hanggang sana nalang ako. :( WAHHH message of my heart kainis.

Anyway mahal na mahal parin kita kahit anong mangyare. Hay SMILE

No comments:

Post a Comment